mcDo stories

Sunday, February 05, 2006

besfren

ngyng mga nakaraang araw ay nailagay ako sa mga sitwasyon n mejo nakakailang at para bang ung mga taong nasa paligid ko ay hindi man lang iniisip ang mga nararamdaman ko tungkol sa mga ginagawa nila. ewan ko ba, siguro akala nila na ok lang sa akin ang nangyayari dahil s tumatawa at nakikisabay ako s mga biruan nila. nalagay na rin ako sa ganun sitwasyon at sa mga pagkakataon na yun, 2 tao pa lang ang nakapansin na ako ay naiilang s mga sitwasyon n yun kahit n ako ay nakikisakay s mga nangyayari. sa tingin ko nga isa lang talaga e kasi ung isa e palagi naman iniisip n may problema ang ibang tao kahit wala naman talaga. sa mga pagkakataon n yun, naisip ko na sana andito ang bestfriend ko kasi hindi lang nya ako kukumustahin pagkatapos mangyari ang nakakailang na sitwasyon na yun, mumurahin pa nya yung mga tao na nagpasimula ng sitwasyon na yun. ganun ka-astig ung bestfren ko kasi alam nya kng kelan sha may mumurahin, may titingnan ng masama at makikipagsuntukan pa para sa akin kasi pareho tlga kami mgisip at mgreact s mga pangyayari. Hindi ko naman sinasabi na tamang gawin yun, shempre pipigilan ko sha kng gagawin nya ang mga yun pero ang mahalaga sa akin ay may balak shang ipamukha nang diretsahan sa ibang tao na nakakagago ang ginagawa nila. Kasi bilang isang katoliko, masama nmn talaga ang murahin ang isang tao, kahit ano pang ginawa nya. Para sa akin ay sapat n ang maisip man lamang ng besfren ko n gagawin nya yun kasi shempre ayoko rin naman magalit ang iba sa kanya dahil s pgmumura nya sa kanila. Basta, pagdating tlga sa ganung paksa, wala akong pakialam kng magkakaibigan pa tayong lahat. Kung tungkol dun ang paguusapan, ako ay selfish at matampuhin. Kung kailangan, gusto kong murahin o batukan nyo ang isa din kaibigan. Pero un nga, pipigilan ko pa rin kayo so wag kayong mgalala, basta pakita nyo lang sa akin n kayo ay handing gawin yun ;)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home